Malabo

Minsan, gumagawa ang tao ng mga bagay na hindi natin inaasahan na gagawin nila. Siguro may iba't-ibang rason kung bakit ginagawa nila ito. Maaaring ito ang nagpapasaya sa kanila, para man lang makawala sila sa mundong inaapi sila. O di kaya naman ginagawa nila ito dahil may naranasan sila dati na gusto nilang makalimutan. Pwedeng gusto nilang maghiganti, o kaya minsan pwede ring gusto lang nila makasubok ng bago.

Minsan hindi ko talaga maintindihan ang mga tao. Alam kong mali na nahusgahan sila. Pero alam ko rin naman kung ano yung tama sa mali. Pero maiisip mo pa ba yung tama kung ang mundo mong ginagalawan ay puno ng pasakit, ng hinagpis? Sinusubukan mong makawala dito, pero yung paraan na alam mo ay labag na sa batas ng moralidad. Oo, moralidad. Ewan ko rin kung bakit pero napakabigat ng salitang yun para sa akin. Pwede naman akong mamuhay ng payapa habang walang tinatapakan na ibang tao, walang sinasaktan, at walang sinasagasaan.

Ang labo ba? Oo, ganun talaga. Parang camera lang yan, lalo na kung ang gamit mo ay manual focus lang. May mga shots na magiging blurred, depende kung pano mo i-aadjust ang lens mo. Hindi ko rin naman masasabing mag autofocus ka na lang. Dahil kung ganun lang din, parang hinayaan mo na rin yung camera mo na magdesisyon kung alin ang focus ng subject mo.
Saturday, October 20, 2012 @ Saturday, October 20, 2012 / 0comments


« Older posts Newer posts»



Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.